20Bet Patakaran sa Pagkapribado

Mag-sign up
20Bet Patakaran sa Pagkapribado

Bago ka mag-register sa kahit anong betting site, unahing alamin muna kung paano ihina-handle ng site ang ‘yong personal mong data. Sa dami ng digital platforms ngayon, hindi sapat na marunong ka lang tumaya; kailangan mo ring intindihin (at may pasensya na basahin) ang Privacy Policy.

Dito nakalagay kung anong klase ng impormasyon ang kinokolekta ng site, bakit nila ito kailangan, at paano nila ito ini-store. Syempre, kasama na ‘dyan palagi ang concerns tungkol sa seguridad ng ‘yong data, lalo’t may mga payment details at private information ka na binibihay sa site.

Sa review na ‘to, aalamin natin ang lahat ng ‘yan.

Anong Personal na Impormasyon ang Kinokolekta ng 20Bet?

Ayon sa Privacy Policy ng 20Bet, kinokolekta ng 20Bet ang personal na impormasyon para ma-verify ang iyong account, maproseso ang mga transaksyon, at makasunod sa legal na regulasyon. Ang data ay nakukuha lang ng 20Bet kung may malinaw na consent mula sa user, unless syempre, required na ito mismo ng batas. Pwede mo ring mabigay sa kanila ang ‘yong data habang ginagamit ang platform o mula sa third-party service providers na ka-partner ng kumpanya. Narito ang pangunahing uri ng kinokolektang info:

Personal na Impormasyong Direktang Ibinibigay ng User

Sa pagsign up mo, natural lang na makukuha ng 20Bet ang mga sumusunod na info:

  • Buong pangalan,
  • Residential address,
  • Detalye ng identification document (ID number, date of issue, issuing authority)
  • Goal ng pagproseso ng data,
  • Panahon ng validity ng consent at paraan ng pag-withdraw nito, at iba pa.

Data mula sa Third-Party Providers at Legal Requirements

Sabi nga, pwedeng maka-gain ng info ang 20Bet mula sa kanilang partners, lalo na para sa:

  • Technical support sa monetary transactions,
  • Account maintenance,
  • Customer verification.

Kung concerned ka pagdating sa pera mo, you’ll be glad to know na ‘di nila kinokolekta o sine-save ang card details. Dahil ito sa fact na ang payment processing ay ginagawa sa secure server ng payment gateway.

Ano ang Ginagawa ng 20Bet sa Info Mo?

Kapag nagbigay ka ng personal info sa 20Bet, hindi lang ito basta iniimbak. Ayon sa kanilang policy, ang data ay ginagamit para i-secure ang ‘yong account, at sumunod sa mga legal na regulasyon. May malinaw na layunin kung bakit kinokolekta at pinoproseso ang iyong impormasyon, lalo na pagdating sa identity verification, transaksyon, at customer support:

Para sa Seguridad at Identity Verification

Ginagamit ang iyong impormasyon upang:

  • I-verify ang iyong pagkakakilanlan,
  • Pigilan ang fraud at illegal activities,
  • Tiyaking ikaw ang may-ari ng account,
  • Maproseso nang tama ang deposits at withdrawals.

Kasama rito ang pag-check ng personal details at pag-monitor ng activity upang masigurong ligtas ang platform.

Para sa Transaksyon at Account Maintenance

Ang iyong data ay mahalaga para sa:

  • Pagproseso ng financial transactions,
  • Pag-track ng transaction history,
  • Pag-maintain ng maayos na account records,
  • Pag-facilitate ng participation sa promos o third-party promotions.

Bagama’t may data sharing sa “carefully selected partners,” ginagawa ito alinsunod sa policy.

Para sa Marketing at Promotional Offers

Maaaring gamitin ang iyong impormasyon upang:

  • Magpadala ng promotional offers at updates tungkol sa kanilang produkto,
  • Ipaalam ang promos ng kanilang partner brands,
  • I-update ka sa betting, poker, backgammon, at iba pang gaming services.

Kung hindi ka nag-opt out, maaaring patuloy kang makatanggap ng ganitong impormasyon.

Mag-sign up

Ano ang Pinapayagan Mo sa Pagsali sa 20Bet?

Kapag nag-register at tinanggap mo ang Privacy Policy at Terms & Conditions ng 20Bet, may ilang malinaw na pahintulot na ibinibigay mo sa kumpanya. Hindi lang ito tungkol sa paggawa ng account, kasama rin dito ang pagprocess ng transaksyon, pag-transfer ng impormasyon sa third-party systems, at pagsailalim sa security verification kung kinakailangan. Narito ang mga pangunahing pinapayagan mo bilang user:

Paglipat ng Impormasyon sa Electronic Payment Providers

Para makapag-deposit at makapag-withdraw ng pera, pwedeng gumamit ang 20Bet ng third-party electronic payment systems. Sa pagtanggap mo ng policy, pinapayagan mo ang:

  • Paglipat ng personal na impormasyon sa payment providers.
  • Pagproseso ng transaksyon sa labas ng iyong bansa kung kinakailangan.
  • Paggamit ng secure third-party systems para sa financial operations.

May inilalagay silang security measures para masigurong protektado ang data habang ginagamit ang mga external systems na ito.

Pagsailalim sa Security at Compliance Reviews

May karapatan ang kumpanya na magsagawa ng security checks upang:

  • I-verify ang personal na impormasyon na ibinigay mo.
  • Kumpirmahin ang financial transactions.
  • Siguraduhin na sumusunod ka sa kanilang Terms and Conditions.
  • Pigilan ang fraud o paglabag sa batas.

Karapatan Mo sa Iyong Data

Bilang user ng 20Bet, may malinaw kang karapatan pagdating sa personal na impormasyong kinokolekta at pinoproseso tungkol sa iyo. Hindi lang ito tungkol sa pagbibigay ng consent. May kontrol ka rin kung paano ito ginagamit, ina-update, at kung paano ka makikipag-ugnayan sa kumpanya tungkol dito. Narito ang mga pangunahing karapatan mo batay sa kanilang policy:

Karapatang Mag-Opt Out sa Promotional Messages

May opsyon kang tumanggi sa pagtanggap ng marketing at promo messages sa pamamagitan ng:

  • Pag-update ng settings sa iyong account,
  • Pag-reply sa promo newsletter na ipinadala sa iyo,
  • Pag-contact sa customer support sa alinmang available channel.

Ibig sabihin, hindi ka obligado tumanggap ng marketing updates kung ayaw mo.

Karapatang Malaman at I-verify ang Iyong Data

Maaari kang makipag-ugnayan sa kanila anumang oras upang:

  • Alamin kung anong personal data ang kinokolekta at iniimbak nila,
  • Alamin kung saan nila nakuha ang iyong impormasyon,
  • I-confirm kung tama ang data na hawak nila tungkol sa iyo.

Karapatang I-update o Itama ang Iyong Impormasyon

Kung may mali o kailangang baguhin sa iyong personal data, maaari mong:

  • Hilinging i-update o itama ang impormasyong naka-store,
  • Magbigay ng sapat na proof upang ma-validate ang pagbabago.

Aayusin nila ang data hangga’t mapapatunayan na makatwiran at kinakailangan ang pagbabago.

Karapatang Magreklamo at Legal Disclosure

May karapatan kang maghain ng reklamo kung may isyu sa paraan ng paggamit ng iyong data. Gayunpaman, tandaan na maaari pa rin nilang ibahagi ang iyong impormasyon kung ito ay hinihingi ng batas o o lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng formal request.

Mag-sign up

Bawal sa Mga Wala Pang 21 Taong Gulang

Ang 20Bet ay hindi para sa mga menor de edad. Sa Pilipinas, ang legal na edad para magsugal ay 21 taong gulang pataas. Kung ikaw ay wala pa sa edad na ito, hindi ka pinapayagang gumawa ng account, mag-deposit, o gumamit ng anumang serbisyo sa platform. Sa pag-sign up at paggamit ng 20Bet, kinukumpirma mo na ikaw ay:

  • Hindi bababa sa 21 taong gulang (kung nasa Pilipinas), o,
  • Nasa legal na gambling age ayon sa batas ng iyong bansa o hurisdiksyon.

May karapatan ang kumpanya na magsagawa ng age verification at security checks upang matiyak na sumusunod ang mga user sa legal requirements. Kung matuklasang may wala pang 21 taong gulang na nagbigay ng personal na impormasyon o gumamit ng serbisyo, maaari nilang:

  • I-delete ang personal data mula sa kanilang records,
  • Isara o i-suspend ang account,
  • Pigilan ang anumang patuloy na paggamit ng platform.